Article Inside Page
Showbiz News
Ngayong Sabado, samahan natin si Ms. Mel Tiangco sa kaniyang pakikipanayam sa international sensation na si Charice Pempengco. At alamin natin ang kuwento ng bagong yugto sa buhay niya.

Marami ang nangarap na makamit ang kasikatan na tinamo ni Charice Pempengco. Mula sa pagiging isang runner-up, naging isa siyang worldwide sensation--hinangaan hindi lang ng mga kapwa Pilipino, kung 'di maging ng mga banyaga rin. Hindi maitatangging maraming nagmamahal sa kaniya.
Pero bakit tila, dahil sa isang desisyon niya, ay parang nawalan siya ng kinang sa maraming tao?
Kamakailan lamang ay lumantad si Charice bilang isang lesbian, umamin na mayroon siyang girlfriend. Marami ang tumanggap sa kaniyang desisyon, pero marami rin ang bumatikos sa kaniyang pagsasabi ng totoo.
Ano nga ba ang nagtulak kay Charice na ibahagi sa lahat ang kaniyang sexual orientation? Ano ang mga pinagdaanan niya para humantong sa desisyong ito? At paano naapektuhan ang mga taong mahal niya sa kaniyang mga ginawang hakbang?
Ngayong Sabado, samahan natin si Ms. Mel Tiangco sa kaniyang pakikipanayam sa international sensation na si Charice Pempengco. At alamin natin ang kuwento ng bagong yugto sa buhay niya.
Itinatampok ngayong Sabado, sa"The Charice Pempengco Story," sina Glydel Mercado, Ryza Cenon, Jan Manual, at si Charice Pempengco bilang sarili niya; sa ilalim ng masugid na direksyon ni Maryo J. delos Reyes, sa panulat ni Gilbeys Sardea, at sa pananaliksik ni Angel Launo.
Magpakailanman airs Saturdays, pagkatapos ng
Vampire Ang Daddy Ko.