What's on TV

Magpakailanman presents "Tinimbang Ka Ngunit Sobra: The Melinda Mara Story"

Published December 21, 2018 11:17 AM PHT
Updated December 21, 2018 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News



Huwag palampasin ang kakaibang pagganap ni Ms. Barbie Forteza para bigyang-buhay ang siksik, liglig at nag-uumapaw sa aral na kuwento ng 'Magpakailanman.'

Kapuso, anong Christmas wish mo?

Gusto mo na bang mag-ipon? Mag-negosyo? Magpaganda o magpasexy? Pwedeng-pwede mo namang ma-achieve 'yan! Pasko man o hindi! Basta't gawin ito na puno ng determinasyon at inspirasyon! At isipin na ginagawa mo ito para sa ikabubuti ng iyong sarili!

Tulad na lamang ng isang transformation story na handog sa inyo ng Magpakailanman ngayong Sabado - na may bonus pang challenging role mula kay Ms. Barbie Forteza!

Kuwento ito ni Dang - isang dalagang pinagkaitan ng kaseksihan. Lumolobo sa laki at halos makasira ng timbangan dahil sa kabigatan! Palagi pa siyang naiikumpara sa kanyang maganda at seksing kapatid. Tuloy, bumaba ang kumpiyansa niya sa sarili. Kaya pati sa kanyang lovelife, hindi siya nagwawagi.

But wait! Dahil noong nag-college na si Dang, feeling n'ya ay natagpuan na niya ang kanyang 'the one'. Kaya more push siya sa ka-sweetan at pakikipag-lambingan kahit hindi naman sila ng love of her life na si Adrian! Pero kapag umamin kaya siya ng true feelings niya, sasaluhin kaya siya ni Adrian sa kabila ng kanyang timbang? Pa-fall nga ba si Adrian o sadyang asumera lang si Dang?

Abangan lahat ng 'yan, pati na ang challenges na nagpatatag kay Dang at ginawa niyang tuntungan para baguhin ang kanyang sarili. Anu-ano kaya ang mga aral niyang natutunan mula sa mga kabiguang ito at sa kanyang dambuhalang pagbabago? Matatagpuan pa nga ba niya ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya at tatanggap sa kanyang pagkatao?

'Wag palampasin ang kakaibang pagganap ni Ms. Barbie Forteza para bigyang-buhay ang siksik, liglig at nag-uumapaw sa aral na kuwento ni Dang. Makakasama din niya sa episode sina Jak Roberto, Sherilyn Reyes, Robert Ortega, Stephanie Sol, Lucho Ayala, Eunice Lagusad, Angel Satsumi, Althea Ablan at Bruce Roeland.

Ang “Tinimbang Ka Ngunit Sobra: The Melinda Mara Story” ay mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, sa panulat ni Charlotte Dianco at pananaliksik ni Loi Nova. Mapapanood ngayong Sabado, December 22, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.