
Ang “Titas of Zumba” ng Angono Rizal ay nagtrending dahil sa patalbugang sayawan nina Liezl, Vilma at Helen. Umabot nga sa 10 million views dahil sa nakakatuwang zumba contest na kanilang ini-upload. Matutunghayan natin sa Magpakailanman ang tatlong kuwento nina Vilma, Liezl at Helen na kapwa may problema sa kanilang asawa.
Si Vilma dahil sa problema sa kanilang mga pasaway na anak, ay nagpakamatay ang asawa. Kaya para mabuhay ang pamilya ay nagtinda ng mga gulay at lahat ng klaseng raket ay pinasok na niya para mabuhay ang kanyang mga anak.
Si Helen, isang OFW, ay may problema rin sa kanyang asawa dahil sa drug addict ito at nauuwi lang ang kanyang pinapadalang pera sa kanyang bisyo. Kaya hiniwalayan niya ito pero sa huli nang magkasakit ay siya pa rin ang nag-alaga hanggang sa kamatayan nito.
Si Liezl na isa ring OFW ay may asawang batugan, kaya halos si Liezl ang nagtratrabaho kaya napilitang mag ibang bansa para kumita ng pera. Nakita ni Liezl sa social media ang mga Zumba sessions nina Vilma at Helen kaya noong umuwi na siya sa Pilipinas ay sumali siya. Nabuo ang kanilang pagkakaibigan dahil halos pareho ang problema nila sa pamilya at naging solusyon nila ang Zumba para makalimutan ang kanilang mga problema.
Ang “Titas of Zumba ay pinangungunahan nina Maria Isabel Lopez bilang Vilma, Sandy Andolong as Helen, and Melanie Marquez as Liezl. Kasama rin sina Edwin Reyes as Jaime, Kevin Sagra as Chelvie, Karlo Duterte as Jayval, Dave Borneo as Jansen, Marika Sasaki as Rona, Mike Lloren as Cesar, Simon Ibarra as Rod, Kelvin Miranda as Dreb. Sa direksyon ni Rechie Del Carmen, Sa pananaliksik ni Gelox Launo, at panulat ni Vienuel Ello. Ngayon Sabado, December 8, sa Magpakailanman.