Ngayon Sabado, ating tunghayan ang istorya na nag viral sa internet. Ang kwento ng dalawang magkapatid na si Bilog at Bunak!
Marami ngang sikat na celebrities ang gumaya sa kanilang viral video. Pero may malalim palang dahilan ang video na ito.
Kaya pala gumawa ng video si Bilog habang kumakanta ay para makarating sa kanyang amang si Dan na ilang buwan nang di nagpapakita. Gusto niyang ipaalam sa ama kung gaano niya ito nami-miss...
Maraming netizens ang naluha at natawa dahil may kulitan pa sa huli ang magkapatid.
Ang kanilang ina na si Anna na lamang ang nagtataguyod sa kanila ngayon. Kahit 5 silang magkakapatid ay nagsumikap si Anna na buhayin ang mga anak sa pagtitinda ng mga ibat-ibang kakanin.
Ang dalawang magkapatid ay magkataliwas ng pag uugali.
Si Bilog ay matalino sa klase pero si Bunak naman ay tamad pumasok sa school at may pagkapasaway sa bahay.
Pero ganun pa man, mahal nila ang isat-isa. Kahit wala ang kanilang ina sa buong araw ay 'di nila pinababayaang magkakapatid ang isat-isa. Sama-sama pa rin sila sa hirap at ginhawa.
Tunghayan ang kwento ng kanilang pamilya, na pinangungunahan ni Ms Lotlot de Leon bilang Anna, Gardo Verzosa bilang Dan, Leanne Bautista bilang Bilog, Kenken Nuyad as Bunak, Barbara Miguel as Daniela, Karla Pambid as Fe, at Banjo Romero as George.
Ang ”Viral Siblings: The Bilog and Bunak Story”, ay idinerehe ni Ms. Rechie Del Carmen, sa Panulat ni Senedy Que at Pananaliksik ni Angel Lauño.
Mapapanood ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto.