What's on TV

Magpakailanman presents "Pasan Ko, Kapatid Ko”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 16, 2020 4:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SM Supermalls Celebrates DOLE’s 92nd Anniversary and Marks 30,000th Hired-On-The-Spot Milestone
These hotel offerings are perfect for the holidays
Tree from rubble lights hope in UP Cebu

Article Inside Page


Showbiz News



Sabi-sabi ng marami na ang kabataan ang kinabukasan ng bayan. Pero paano na lang kung ang isang bata ay isuko ang kaniyang kinabukasan para sa kapakanan ng kaniyang mga kapatid?


Sabi-sabi ng marami na ang kabataan ang kinabukasan ng bayan. Pero paano na lang kung ang isang bata ay isuko ang kaniyang kinabukasan para sa kapakanan ng kaniyang mga kapatid?

Ngayong Sabado, samahan si Miss Mel Tiangco sa kaniyang pakikipanayam kay Carlo, isang teenager na naging ama at ina sa kaniyang dalawang kapatid na may kapansanan sa pag-iisip. Paano napunta sa ganitong sitwasyon si Carlo? Ano ang nangyari sa kaniyang magulang? At magagawa nga ba ng isang bata ang magpalaki ng mga kapatid, kung siya mismo ay nangangailangan pa ng kalinga at patnubay ng nakatatanda?

Itinatampok si Ruru Madrid sa isang natatangging pagganap bilang si Carlo— isang binatang pinasan ang responsibilidad na iniwan ng kaniyang mga magulang, para mahalin at alagaan ang dalawang kapatid na itinatatwa ng kanilang mga kamag-anak.

Hanggang saan aabot ang pasensya at pagmamahal ni Carlo para sa kaniyang mga kapatid? At paano niya haharapin ang katotohanang hindi sapat ang kaniyang pag-aaruga para sila ay mabuhay?

Abangan ang kuwento ni Carlo at ng kaniyang mga kapatid sa Magpakailanman, ngayong Sabado, January 10 2015, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Kasama ni Ruru sa episode na ito ang Cinemalaya Best Supporting Actor na si Miggs Cuaderno sa challenging role bilang si Angelo, ang isa sa mga mentally-challenged na kapatid ni Carlo; kabilang rin sina Leandro Baldemor, Shyr Valdez, Lui Manansala, Angeli Bayani, Prince Vinluan, at sa espesyal na partisipasyon ni Miss Angelika dela Cruz.

Ang episode na “Pasan Ko, Kapatid Ko” ay idinirek ni Maryo J. delos Reyes, sa panulat ni Michiko Yamamoto, mula sa pananaliksik ni Loi Argel Nova.