What's on TV

Magpakailanman presents "Fat and Furious: The Adventures of Boobsie (The Mary Jane Vallero story)"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 17, 2017 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan ngayong Sabado ang nakakakilig at nakakatuwang kwento ni Boobsie Wonderland sa 'Magpakailanman.'

 

 

Madalas natin siyang mapanood sa TV shows gaya ng Sunday Pinasaya, Bubble Gang at Celebrity Bluff. 

Sinusubaybayan din ng karamihan ang shows niya sa comedy bars. Hinahangaan hindi lamang sa kanyang talento sa pagpapatawa kundi sa cute nyang character o itsura bilang isang inosenteng bata.

Ngunit sa kabila ng kasikatan, anu-ano ang kanyang mga pinagdaanan bago ito makamit? Ano nga ba ang totoong katauhan sa likod ng inosenteng bata na kanyang ginagampanan?

Bata pa lang ay madiskarte na si Boobsie. At dahil may talento sya sa pagkanta at pagsayaw, sa murang edad ay nakapagtrabaho sya sa ibang bansa bilang entertainer. Dito nya nakilala si Lito, nagsimula sila bilang live-in partner hanggang sa makalipas ang halos 9 na taon at doon na nila naisipan magpakasal.

Unti-unti din nakilala si Boobsie na nagsimula sa screen name na “Jane B” hanggang sa naging ‘Boobsie Wonderland”. Ngunit ang mala- fairytale nyang buhay ay 'di kumpleto kung puro saya lang ang kanyang mararamdaman. Kaya sa pagdaan ng panahon ay sinubukan din ang kanyang katatagan hindi lang bilang komedyante, ngunit bilang isang anak, ina at asawa.

Tunghayan ngayong Sabado ang nakakakilig at nakakatuwang kwentong ito na pangungunahan walang iba kundi ni Boobsie, at makakasama pa sina Ms. Elizabeth Oropesa, Jay Manalo, Jong Cuenco, Cai Cortez, Tonet Guaio, Kenken Nuyad, Joanna Marie Tan, Prince Clemente at Makee Dulalia.

Ang episode na “Fat and Furious: The Adventures of Boobsie (The Mary Jane Vallero story)” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Direk Rechie Del Carmen, mula sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Angel Launo. 

Mapapanood ngayong Sabado, May 20, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.