
Ngayong Sabado, tunghayan ang kwento ng isang ina na OFW, nakipagsapalaran sa ibang bansa para lamang mabuhay ang kanyang mga anak.
Ngayong Sabado, tunghayan ang kwento ng isang ina na OFW, nakipagsapalaran sa ibang bansa para lamang mabuhay ang kanyang mga anak.
Sa 'di inaaasahang pangyayari, namatay ang bunso nyang anak na si John Earl dahil sa pang-aabuso nang kanyang pinag-iwanan sa anak na kadugo pa naman n'ya.
Dalawang dagok ang nangyari sa buhay ni Erlinda, una nang mapatay ang kanyang asawa dahil sa paniningil nang utang sa kamag-anak.
Mula noon ay naging single mom na s'ya. Tinaguyod ang dalawang anak nya. Pagkatapos nito, sa pangalawang pagkakataon ay may naka-relasyong muli si Erlinda sa Bahrain, at dito ay nabuntis sya agad.
Pero 'di sya sinuwerte sa lalaki dahil nagkahiwalay rin sila. Umuwing buntis si Erlinda sa Pinas at dito ay isinilang si John Earl.
Dahil dito, ipinagkatiwala niya sa kanyang pamangkin na si Dina at sa asawa nito ang pag-aalaga dahil kasalukuyang nag-aaral pa ang dalawa pa n'yang anak.
Dito ay sumailalim sa karahasan si John Earl, na ayon kay Dina ay dinidisiplina lang nila ang bata.
Ngayong Sabado, January 14 2017, tungahayan ang kwento ng isang ina, na ginagampanan ni Diana Zubiri bilang Erlinda, Rich Asuncion as Sarah Jane, Shermaine Santiago as Pearl, Renz Valerio as Mark, Phytos Ramirez as Angelo at marami pang iba.
Ang 'Justice for the Battered Child: The Linda Cagalitan story' ay mula sa direksyon ni Ms. Rechie Del Carmen, sa panulat ni Senedy Que, at sa pananaliksik nina Rodney Junio at Angel Lauño.