
Madlang people at mga Kapuso, handa na ba kayo para sa linggong puno ng kasiyahan?
Maghaharap na ang mga host ng It's Showtime para sa highly-anticipated “Magpasikat 2023.”
Ang “Magpasikat” ay ang week-long anniversary special ng noontime show, kung saan maglalaban-laban ang mga host sa performances na magpapakita ng kanilang talento.
Ngayong Lunes, mapapanood ang team nina Vhong Navarro, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz, habang sa Martes (November 7) naman ang team nina Karylle, Amy Perez, MC, at Lassy.
Ipamamalas ng team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid ang kanilang talento sa Miyerkules (November 8), habang ang team nina Vice Ganda, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez ang mapapanood sa Huwebes (November 9).
Samantala, ang team nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez ang mapapanood sa Biyernes (November 10).
Kaninong team kaya ang tatanghaling Magpasikat 2023 Grand Champion?
Abangan lamang 'yan sa It's Showtime, weekdays, 11:30 a.m., at Sabado tuwing 12 noon sa GTV.