
Magsisimula na ang masayang celebration ng 16th anniversary ng It's Showtime sa pamamagitan ng "MagPASKOsikat."
Humanda na sa nonstop saya dahil sa kaabang-abang na opening performances mula sa It's Showtime family.
Bukod dito, araw-araw ay puwede ring manalo ng PhP1 million sa “Laro Laro Pick.”
Sa episode ng noontime variety show noong Oktubre, ibinahagi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na may masaya at mas makabuluhang selebrasyon na gagawin para sa 16th anniversary ng programa.
“Sa pagse-celebrate natin, hindi lang tayo magpapatawa, magsasayaw, magbibitin, gagastos ng pera. We will try to help our Madlang People to build and rebuild their lives,” pagbabahagi niya.
Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
BALIKAN 15TH ANNIVERSARY SPECIAL NG IT'S SHOWTIME SA IBABA