GMA Logo Black Rider
What's on TV

Magsasanib-puwersa si Elias at Edgardo sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published June 10, 2024 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Gov't to implement service contracting program starting April 15
Nolasco, Van Book lead NCAA 101 volleyball’s finest athletes
Daig Kayo Ng Lola: Papa Pig

Article Inside Page


Showbiz News

Black Rider


Magtutulungan sina Elias Guerrero at Edgardo Magallanes! Abangan ang 'di inaasahang sanib-puwersang ito sa 'Black Rider.'

Isang hindi inaasahang alyansa ang mabubuo sa full action series na Black Rider.

Matapos ang masaker sa kasal nina Paeng (Matteo Guidicelli) at Joan (Arra San Agustin), ililigtas ni Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) ang kanyang anak na si Elias (Ruru Madrid).

Handa bang tumanggap ng tulong si Elias mula sa amang lubos niyang kinamumuhian, lalo na kung ito ang nasa likod ng panibagong pagkakataon niya para mabuhay?

Samantala, sa paghahanap ni William (Roi Vinzon) sa nawawala niyang anak, matutunton niya si Bane (Yassi Pressman). Ito nga ba talaga ang kanyang anak? Matatanggap naman ba ni Bane na ang mortal nilang kaaway ay kanyang tunay ama?

Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!



SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:



Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.