What's on TV

Magsisilang ng halimaw ang ganid sa season finale ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published September 26, 2022 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala humbled, grateful to represent PH after winning SEA Games gold
Remains of rebel killed in 2021 retrieved in MisOr
Dennis Trillo sa kanyang pagkapanalo sa AAA 2025: 'Hanggang ngayon nanginginig kamay ko'

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Dahil sa ganid, magiging halimaw ang isang tao sa season finale ng 'Lolong.'

Sino ang tunay na halimaw?

'Yan ang tanong ng most watched television program of 2022 na Lolong sa nalalapit na season finale nito.

Maghahanda nang lubos si Lolong (Ruru Madrid) sa napipintong pagtutuos nila ni Armando (Christopher de Leon).

Nakapagsalin naman si Armando ng dugo mula kay Dakila kaya makukuha niya ang kakayanan ng mga Atubaw tulad ng pambihirang lakas at mabilis na pagpapagaling ng sugat.

Pero tila may matinding kapalit ang mga kakayanan ito.

Samantala, malalaman na rin ni Martin (Paul Salas) na kapatid niya si Lolong.

Aanib ba siya sa laban ng kapatid o ito ba ang mas lalong magpapaigting ng kanyang galit?

Abangan lahat ng 'yan sa season finale ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.