What's Hot

Magsisimula na ang dakdakan sa 'Slam Dunk' ngayong Lunes, March 31!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 5, 2020 2:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Magbabalik muli sa hardcourt ang pinaka-astig sa astig authority ng GMA. Simulan nang i-dribol ang inyong mga bola para sa koponan ng Shohoku team.

Magbabalik muli sa hardcourt ang pinaka-astig sa astig authority ng GMA. Simulan nang i-dribol ang inyong mga bola para sa koponan ng Shohoku team.

Tunghayan ang mga the basketball moves na laging sablay ni Hanamichi Sakuragi. Kinuha siya ng Shohoku team dahil sa taglay nitong height. Naniniwala sila na siya ang magpapanalo sa kanila oras na gumaling ito sa basketball. Walang kainteres-interes si Hanamichi sa alok nila dahil hindi niya naman gusto ang basketball. Nagbago ang lahat nang ma-in love siya kay Haruko Akagi na isang fan ng basketball. Kaya naman sumali na siya sa Shohoku team para magpakitang gilas sa babaeng mahal niya.

Makakalaban ni Sakuragi hindi lang sa hardcourt pero pati na rin sa puso ni Haruko ang super rookie na si Kaede Rukawa. May angking kakaibang galing at laging napapamangha ang lahat oras na ibato niya na ang bola sa ring. Magpapatalo kaya si Sakuragi sa kanya?

Ang tinatawag na “Gori” ni Sakuragi na si Takenori Akagi ang mapapalapit sa kanya kahit ayaw niya. Kailangan niya magpalakas dito dahil kapatid siya ni Haruko. Si Takenori rin ang Shohoku’s team captain. Papasa kaya si Sakuragi sa kanya?

Ihanda na ang buong team para sa basketball game na magsisimula ngayong Lunes, March 31 sa GMA astig authority na kinabibilangang nina Jackie Chan sa kanyang Jackie Chan Adventures, Luffy ng One Piece,  Conan sa Detective ConanInuyasha  at ang mga wizards ng Fairy Tail.  Lahat sila'y mapapanood sa anime marathon after Unang Hirit!

--Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.