
Ang love, kayang sumibol kahit sa gitna ng trouble.
Mahuhuli ng law student na si Monique (Nam Jihyun) ang kanyang boyfriend at kapwa law student na si Aaron (Hwang Chansung) na may ibang babae kaya agad siyang makikipaghiwalay dito.
Pagkatapos ng tatlong buwan, habang nagtatrabaho si Monique sa Prosecutor's Office, matatagpuang patay si Aaron sa kanyang apartment.
Maaaresto si Monique bilang primary suspect sa krimen. Ang prosecutor pang maa-assign sa kaso ay si Gerald (Ji Changwook) na notorious dahil wala itong awa sa mga kriminal.
Pero imbis na idiin si Monique sa pagpatay, si Gerald pa ang makakahanap ng ebidensiya para mapalaya siya. Magbabago ang paningin ni Gerald sa kanyang trabaho kaya lilisanin niya ang Prosecutor's Office at magiging isang pribadong abogado.
Dito na dapat magtatapos ang kaugnayan nin Monique at Gerald pero pilit pa rin silang pinaglalapit ng tadhana.
Matapos maging ganap na abogado ni Monique, kailangan niyang muling harapin si Gerald dahil sa isang malaking kaso na tila may kauganyan sa kanilang mga nakaraan.
Ang Love In Trouble ang huling drama series na ginawa ng Korean superstar actor na si Ji Changwook (Healer, Empress Ki) bago siya sumabak sa kanyang mandatory military service.
Abangan ang Love In Trouble, parating na ngayong Mayo sa GMA Heart of Asia.