
Sino nga ba si Mygz Molino sa buhay ni Mahal? 'Yan ang isa sa mga masasaya, nakakakilig at nakakaintrigang katanungan na haharapin ng komedyante sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, June 6.
Haharapin ni Mahal ang controversial questions nina Boobay at Tekla sa 'May Pa-PressCon' segment ng TBATS at dito niya idedetalye ang special at unusual relationship nila ni Mygz:
Tampok din si Mahal sa isang improv comedy segment upang magpamalas ng kanyang husay sa pag-arte bilang isang kontrabida. Malapit kaya ito sa kanyang character sa Owe My Love?
Bibida rin siya sa isa pang special segment na tinatawag na 'Umayos Ka, Mahal' kung saan susubukang hulaan ng fun-tastic duo at The Mema Squad na binubuo nina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red, Skelly Clarkson at Kitkat ang mga salita at katagang babasahin niya.
Mapapanood din sa parehong episode si The Clash season 3 first runner-up Jennie Gabriel. Paniguradong mamamangha ang audience sa kanyang performance ng Whitney Houston classics sa opening ng programa at pati na sa kanyang pakikipaglaro sa “Kayang-Kaya, Gayang-Gaya.” Makakakulitan kasi niya sa segment na ito sina Boobay, Tekla at The Mema Squad sa isang laro ng celebrity impersonations.
Tuluy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, June 6, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: