
Nabalot ng kilig at saya ang studio nang magkuwento si Mahal tungkol sa real score nila ng indie actor at kapwa vlogger na si Mygz Molino sa June 6 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).
Si Mahal ang special guest nina Boobay at Tekla sa 'May Pa-PressCon' segment ng Kapuso variety comedy show.
Kuwento ni Mahal, nakilala niya sa Abra si Mygz noong taong 2011:
Naging malapit sila sa paglipas ng panahon, at nang pasukin nila ang pagba-vlog ay sinundo raw siya ng binata sa kanyang tahanan sa Tandang Sora upang doon na patirahin sa bahay ng huli.
Lalo pang kinilig si Mahal sa pagbabahagi ng kanilang kuwento nang bigla nang tawagin si Mygz upang samahan siya sa parehong segment. Maliban sa pagkuwento ng kanilang lambingan, inamin din nilang tabi sila kung matulog.
Paglarawan ni Mahal kay Mygz, “Sa buhay ko, siyempre, malapit na kaibigan, matulungin siya at lahat… Alam mo na 'yun.”
Nang tanungin naman siya ng fun-tastic duo kung mahal na niya ang binata, mariin niyang naging tugon ay, “Oo naman. Oo naman.”
Hindi lang si Mahal ang nagpahayag ng kanyang nararamdaman dahil may binitawan ding pangako si Mygz. Pahayag niya, aalagaan daw niya ito hanggang sa abot ng kanyang makakaya.
Wika ni Mgyz, “Hanggang kaya. At kumbaga, ang Diyos na rin ang bahala sa lahat, kung ano 'yung magiging katayuan namin sa bawat isa, maging success man o ano pa man. Diyos ang bahala doon.”
Alamin ang kanilang mensahe para sa isa't isa sa video sa itaas.
Game na game din si Mahal sa laro ng tongue twister at acting challenge nina Boobay at Tekla para sa kanya.
Nakisaya rin sa parehong episode ang The Clash season 3 first runner-up na si Jennie Gabriel. Matapos ang kanyang performance, naglaro ang Team Boobay at Team Tekla sa pagalingan sa impersonation sa segment na “Kayang-Kaya, Gayang-Gaya.”
Ang fun-tastic duo, The Mema Squad na binubuo nina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red, Skelly Clarkson at Kitkat, at si Jennie naman ang nasubok sa laro na 'Umayos Ka, Mahal.' Maintindihan kaya nila ang mga pinapahula ng komedyante? Sino kaya ang manalo sa pagitan ng Team Ganda at Team Chaka?
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!