GMA Logo
What's Hot

Mahal sa buhay ng comedienne na si K Brosas frontliner sa Italy

By Cara Emmeline Garcia
Published March 31, 2020 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 18 (Aug. 25, 2026) | GMA Regional TV
Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) August 25, 2026 [HD]
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News



Masidhi ang dasal ni K Brosas para sa kanyang ate na frontliner sa bansang Italy na may mataas na kaso ng COVID-19.

Matindi ang dasal ng comedienne-singer na si Carmela Brosas o mas kilala sa K Brosas para sa mga pamilya niya ngayon na nasa Italy na isa sa mga bansa na may pinakamalaking kaso ng COVID-19.

Base sa huling na datos na nakuha ng aljazeera.com, may mahigit sa 100,000 na katao ang na-infect ng coronavirus sa bansa na ito.

LOOK: K Brosas, may pasilip sa ipinagagawang bahay

Sa Instagram post ni K, ibinahagi niya na ang kanyang Ate Emily ay isang registered nurse sa Italy.
"This is my ate emily, a registered nurse SA italy.. actually buong family ko nasa italy matagal na.. bigla akong na sad.. pls pray for our hardworking health workers/frontliners "

This is my ate emily, a registered nurse SA italy.. actually buong family ko nasa italy matagal na.. bigla akong na sad.. pls pray for our hardworking health workers/frontliners 🙏🙏🙏😞

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on


Maraming nag-komento sa IG post na ito ng comedienne at lahat ay ipinagdadasal ang kaligtasan ng kanyang Ate Emily.


Samantala, kahit naka-isolate sa kanyang bahay, pinipilit din ni K Brosas na tulungan ang mga frontliners dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdo-donate ng personal protective equipment sa mga ito.

Be safe po lagi SA ating mga masisipag na healthworkers/frontliners .. alam ko pong kulang na kulang ang mga PPE's ngayon kaya sana tumulong tayo SA kahit konting paraan na mabigyan sila .. gusto ko man mabigyan lahat pero hindi ko kaya, pero kung lahat tayo ay tutulong kahit pa konti konti ay magiging malaking bagay na.. God bless u all. #bayanihan #helpFromHome 🙏🙏🙏👊👊👊

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on

Sa inilabas ng datos ng Department of Health (DOH) kahapon March 30, may 1, 546 cases of COVID-19 na sa bansa at 42 naman ang naka-recover.

MORE ON THE CORONAVIRUS UPDATE:

Filipino celebrities and politicians who tested positive for COVID-19

HEROES: The fallen doctors who fought against COVID-19

IN PHOTOS: Celebrity couples na tumulong sa COVID-19 crisis