
Love for one's self at #ConfidenceIsPower ang naging mensahe ni Kakai Bautista sa kanyang followers sa social media.
Ipinarating ni Kakai ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili pagkatapos niyang kaawaan ang sarili noon. Aniya, "Alam at tanggap kong hindi ako maganda sa paningin at standards ng iba, ng mundong obsessed sa beauty and being beautiful. Hindi masakit para sa akin 'yun, dahil lumipas na ang mga taon na kinaawaan ko ang sarili ko dahil sa sinasabi ng iba."
Dagdag pa ng Dental Diva, wala na siyang balak na makinig sa mga batikos dahil alam niya ang kanyang halaga kahit taliwas ito sa sinsasabi ng iba.
"Tapos na ang mga araw na pinakikinggan ko sila at wala na akong balak makinig pa. Nakita ko na ang Kagandahan na meron ako at wala na makakaagaw nun sa akin, dahil matagal ko nang natanggap kung sino at ano ako - anu man ang tingin ng iba. Hindi tayo mabubuhay sa maaaring iutos ng mundo sa atin. Mabubuhay tayo sa inuutos at sinisigaw ng mga puso natin - Mahalin mo ang iyong sarili bago mo mahalin ang iba. Narito po sa inyong harapan, KAKAI BAUTISTA — Tambay ng PACITA!Aaaay chenk u! #dentaldiva #confidenceispower #strokesbymomoisupe #gandangauraruz"