
Isang lawa na may itinatagong hiwaga at isang makasaysayang lugar ang tampok sa Amazing Earth ngayong March 27.
Photo source: Amazing Earth
Sa episode na ito, samahan natin si Dingdong Dantes na tuklasin ang Lake Holon mula sa South Cotabato. Alamin ang misteryong bumabalot sa lawang ito ngayong Linggo.
Ibabahagi rin sa Amazing Earth ang makasaysayang Plaza de Armas sa Fort Santiago.
Abangan ang mga kuwentong ito at iba pang mga istorya mula sa BBC nature documentary na Nature's Miniature Miracles. Tutok na sa Amazing Earth ngayong Linggo, 5:20 p.m. sa GMA Network.