GMA Logo
What's Hot

Mahuhuli ang inyong panlasa sa Taste of Love

Published November 12, 2019 1:08 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Siguradong mahuhuli na naman ng GMA Heart of Asia ang inyong panlasa sa bago nitong handog na Taste of Love, isa sa highest-rating series sa Turkey.

Siguradong mahuhuli na naman ng GMA Heart of Asia ang inyong panlasa sa bago nitong handog na Taste of Love, isa sa highest-rating series sa Turkey.


Makakakuha ng trabaho ang culinary student na si Nikki (Ozge Gurel) bilang private chef ng matagumpay na negosyanteng si Jeric (Can Yaman) na notorious naman sa pagsisisante ng mga tauhang hindi sumusunod sa kanya.

Isang kundisyon sa trabaho ni Nikki na tanging ang pagkaing nasa listahan ni Jeric lamang ang kailangang niyang lutuin. Minsan nang sinubukan ni Nikki na ibahin ang menu, pero dahil nakuha niya ang panlasa ni Jeric, hindi siya matatanggal sa trabaho.

Bukod dito, sa kusina lang pwedeng mamalagi si Nikki mula 12 pm hanggang 5 pm. Kailangan din niyang umalis bago dumating si Jeric kaya 'di sila nagkikita.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Jeric kapag malaman niyang isang magandang dalaga at hindi isang matandang babae ang kanyang private chef?

Abangan ang kakaibang flavor ng kwento nina Jeric at Nikki sa Taste of Love, simula November 18, Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga sa nangungunang GMA Heart of Asia.