
Tumatak sa manonood ang beteranang aktres na si Maila Gumila bilang kontrabidang si Divina sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Siya ang tiyahin na naghahabol ng pera at kapangyarihang na dapat ay sa apat na Chua sisters.
Dahil sa kanyang role, nakasalamuha ni Maila ang mga aktor na gumaganap ng iba't ibang henerasyon ng pamilya Chua. Masaya daw siyang nakilala at nakatrabaho ang mga ito, lalo na ang mga mas nakakabatang miyembro ng cast.
"Mami-miss ko ang lahat ng aking nakatrabaho, ang magagaling na artista na gumanap ng kanikanilang mga role sa programa--sina Aiko [Melendez], sina Beauty [Gonzalez], siyempre si Johnny Revilla at si Rafael Rosell, at lahat ng mga bata na aking nakilala sa programa," pahayag ng aktres.
Umaasa rin si Maila na may napulot na aral ang mga manood sa kuwento ng tatlong henerasyon ng pamilya Chua.
"Sana may natutunan kayo sa aming programa. At sana po magkaroon ng susunod, 'di ho ba? Maraming maraming salamat po sa pagtangkilik sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters.' God bless you all," mensehe niya.
Sa huling gabi ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, makakalabas na ng ospital si Aurora (Isabel Rivas) at sasalubungin siya ng pagtitipon nina Lily (Aiko Melendez), Violet (Beauty Gonzalez), Dahlia (Thea Tolentino) at Iris (Angel Guardian).
May ebidensiya na rin na magdidiin kay Divina sa pagkamatay ni Jade Lee (Casie Banks).
Ito na ba ang simula ng bagong pagsibol ng apat na magkakapatid?
Huwag palampasin ang big finale ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, January 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.