
Kailan niya gustong lumagay sa tahimik?
Ibinahagi ni Eat Bulaga host Maine Mendoza ang kanyang dream honeymoon destination sa unang bahagi ng interview sa kanya ni Queen of All Media Kris Aquino.
Sa pangalawang bahagi naman, isiniwalat naman niya ang edad kung kailan nais niyang magpakasal.
"Gusto ko po sana before, ideally, mga 28," pahayag niya.
Bahagya naman nagbago ang kanyang mga saloobin at ideya ukol sa pagpapakasal, lalo na matapos niyang pumasok sa larangan ng showbiz.
"Basta before I reach 30 po. 'Yun po 'yung ideal age ko sana," paglilinaw niya.
Bukod dito, naitanong din ni Kris kay Maine ang tungkol sa kanyang ka-love team na si Alden Richards.
Ano nga ba ang katangian ni Alden na nakaka-inspire para kay Maine?
"Siguro 'yung pagiging hardworking lang po ni Alden. Kasi parang sobrang passionate po niya sa trabaho niya," kuwento niya.
Panoorin ang pangalawang bahagi ng panayam ni Kris kay Maine sa kanyang Facebook account: https://www.facebook.com/RealKrisAquino
MORE ON MAINE MENDOZA:
WATCH: Maine Mendoza reveals her dream honeymoon destination
MaiDen's performance at 'The Magic of Christmas' TV special made a huge noise in Twitterverse!