GMA Logo Maine Mendoza and Arjo Atayde
Maine Mendoza and Arjo Atayde
What's Hot

Maine Mendoza, Arjo Atayde mark second anniversary with cheesy photos on IG

By Aedrianne Acar
Published December 22, 2020 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Maine Mendoza and Arjo Atayde


Maine Mendoza at Arjo Atayde may kanya-kanyang sweet post sa Instagram para ipagdiwang ang kanilang second anniversary together. Happy anniversary, guys!

Bukod sa nalalapit na Kapaskuhan, espesyal ang buwan ng Disyembre para sa showbiz couple na sina dabarkad Maine Mendoza at Kapamilya talent Arjo Atayde.

Kahapon, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang second anniversary together at may kani-kanilang sweet post pa ang mga ito sa Instagram.

Hindi malinaw kung saan kuha ang larawan nina Maine at Arjo, pero makikita na nasa beach ang mga ito para sa kanilang anniversary.

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Sa Instagram post ni Arjo, ipinahayag nito ang kanyang pagmamahal sa one and only “bubs” ng kanyang buhay.

Aniya, “I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd Anniversary bubs”

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)

Bumuhos naman ang pagbati ng mga kaibigan at katrabaho nila sa showbiz. Ilan sa mga nakitang nag-comment sa nakakakilig nilang mga post ay sina Chrsitine Babao, Mikee Quintos, at ang asawa ni Sheena Halili na si Atty. Jeron Manzanero.

Photos taken from Maine Mendoza and Arjo Atayde

Love Story

Noong March 2019, umamin ang Daddy's Gurl star na in a relationship na siya with the Kapamilya actor.

Mas lalong naging bukas si Menggay sa estado ng kanyang relasyon ng makapanayam siya ng miyembro ng press sa media conference ng Metro Manila Film Festival entry niya na Mission Unstapabol: The Don Identity last December 2019.

Dito sinabi ni Maine mismo na nakikita niya ang future niya with Arjo.

“Siyempre, hindi naman tayo magsasayang ng oras na kasama 'yung mga taong hindi natin gustong makasama habambuhay."

Pero agad din niyang nilinaw na hindi pa niya nakikita ang sarili niya na ikasal.

Bakit kaya?

Paliwanag ni Maine noon, “Mahirap din kasi, kaming magkakapatid, e, sunud-sunod. 'Yung kuya ko muna 'tapos 'yung isa ko pang ate 'tapos ako, so feeling ko mga 28 [years old].

"May dalawa pang kailangang ikasal. Tama lang kasi ang marrying age ko is 28."

Taos-puso din ang pasasalamat ng Phenomenal Star sa mga fans niya na suportado ang kanyang personal life.

"Thankful rin ako kasi marami naman akong taga-suporta na sumusuporta rin sa personal life ko, na pati 'yon sinusuportahan nila and minahal nila 'yung mga... 'yon,"

Samantala, ipinagtanggol din ni Maine ang kanyang boyfriend sa mga binabatong maling akusasyon sa kanya.

Kung maalala n'yo, noong unang bahagi ng 2020, nag-trend ang hashtag "NoToArjoTheUser."

Agad na dumipensa si Maine at sa maikling pahayag niya sa kanyang official Twitter account sinabi niya, “Wow, some 'fans' made #NoToArjoTheUser trend today. Congrats! But I say #YesToArjo.”

Happy anniversary, Maine and Arjo!

Related content:

Maine Mendoza openly talks about relationship with Arjo Atayde

9 Times Maine Mendoza's tweets came true

Maine Mendoza celebrates Arjo Atayde's 30th birthday