GMA Logo Maine Mendoza
Celebrity Life

Maine Mendoza finally meets Arjo Atayde's grandmother

By EJ Chua
Published December 3, 2022 4:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Localized thunderstorms to bring rain over Metro Manila, rest of PH — PAGASA
Creating with the boundless soul of an artist
Singapore Oceanarium spotlights native seahorses through exclusive guided experience

Article Inside Page


Showbiz News

Maine Mendoza


Arjo Atayde introduces fiancée Maine Mendoza to his maternal lola.

Isang happy mom ang aktres na si Sylvia Sanchez matapos ipakilala ng kaniyang na si Arjo Atayde ang fiancée nito na si Maine Mendoza sa kaniyang ina.

Sa Instagram post ni Sylvia nitong Linggo, November 30, 2022, ibinahagi niya ang masayang pagtatagpo ng kanyang ina, kapatid, at ng kanyang soon-to-be manugang at Eat Bulaga host na si Maine.

Ayon sa caption ng veteran actress, “Maraming salamat mga anak Arjo at Maine kahit napakabusy niyo parehong dalawa. Naglaan kayo pareho ng oras para ipakilala mo Arjo si Maine kay Tita Janice, Tito Kenneth at kay Lola Rose mo.”

“Napakasaya ng puso ko [heart emoji] Salamat mga anak. Truly appreciated! Love u both,' dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, ang post ng aktres ay mayroon nang mahigit 25,000 likes sa Instagram.

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Kasunod ng naturang post, nag-comment naman ng mga puso si Maine.

Matatandaang opisyal na naging magkasintahan sina Maine at Arjo noong December 21, 2018.

Makalipas ang mahigit tatlong taon, ginulat ni Maine ang kanyang fans at Instagram followers nang ibahagi nito ang announcement na siya ay engaged na sa anak ni Sylvia na si Arjo.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ICONIC FASHION MOMENTS NI MAINE MENDOZA SA GALLERY SA IBABA: