
Ganun pa rin ang ating beloved Yaya Dub isang taon mula nang siya'y lumabas sa 'Eat Bulaga.'
Mabilis man ang naging pagsikat ni Maine Mendoza mula nang una siyang lumabas sa Eat Bulaga ay nananatili raw siyang mabait at masayahin.
Ayon kay Direk Pat na halos araw-araw kasama ni Maine sa show, natutuwa siya na maliban sa pagiging magkatrabaho ay naging magkaibigan sila ng Yaya Dub actress. Naalala niya rin ang unang araw ni Maine sa kalye-serye at proud siya sa layo ng narating nito.
Ngunit pinaka-proud siya na mula nang siya’y unang lumabas sa noontime show hanggang maging isang sikat na artista ay hindi siya nagbago.
Eksaktong isang taon na ang nakalipas simula nang unang ipinakilala si Maine bilang Yaya Dub, ang kasambahay ni Lola Nidora na ginagampanan ni Wally Bayola. Unang nakilala si Maine online nang pumatok ang kanyang mga dubsmash videos.
MORE ON MAINE MENDOZA:
Meet Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub of 'Eat Bulaga'
Yaya Dub, kinilig kay Alden Richards
Throwback Thursday: Do you remember when we first saw Yaya Dub on 'Eat Bulaga?'