
Abangan ngayong Linggo ang pinakabagong mukha ng Eskinol.
By FELIX ILAYA
Simula nang bumida si Maine Mendoza sa Kalye-serye segment ng Eat Bulaga at maging katambal ni Alden Richards, samu't-saring endorsements at commercials na ang dumating sa dalawa.
READ: Mga kamag-anak nina Maine at Alden, ipinagdiwang ang 28th weeksary ng AlDub
Sa pamamagitan ng Twitter, inanunsyo ng facial cleanser brand na Eskinol kung sino ang kanilang "Maine Girl" na siyang magiging bagong mukha ng kanilang produkto.
Our Maine Girl! Abangan si @mainedcm on Sunday! #MaineForEskinol #ALDUB28thWeeksary #SinabonMoNgunitKulangPaRin pic.twitter.com/4zPzrbQZKR
— Eskinol Philippines (@EskinolPH) January 28, 2016
READ: Sooo Kilig Special: Alden and Maine on a lifestyle magazine's February cover
Ayon sa tweet, dapat raw abangan sa darating na araw ng Linggo ang pinakabagong television commercial ni Maine Mendoza!