GMA Logo Arjo Atayde on Daddy's Gurl
What's on TV

Maine Mendoza, malaki ang pasasalamat sa 'Daddy's Gurl' na pinayagan mag-guest si Arjo Atayde

By Aedrianne Acar
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated March 6, 2021 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Arjo Atayde on Daddy's Gurl


Konting paghihintay na lang mga Kapuso, 'Daddy's Gurl' na!

Taos-puso ang pasasalamat ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa lahat ng bumubo ng high-rating Kapuso sitcom na Daddy's Gurl.

Mamaya, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman), mapapanood na ang guesting ng TV-movie actor na si Arjo Atayde.

Gaganap ang boyfriend ni Maine bilang si Julio na cutie owner ng TEAnodonna na magiging bagong kakumpetensya ng coffee business na StarBaraks nina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza).

Tweet ni Maine ngayong Sabado ng hapon, “Another first! Heart suit Thank you DG fam! And thank you for saying yes to this, @AtaydeArjo!

"So excited to see this episode! Masaya to! #DaddysGurl mamayang 9:23pm pagkatapos ng Magpakailanman.”

Ibinahagi rin ng cast ng Daddy's Gurl ang naging bakasyon nila kamakailan kung saan nakasama din nila hindi lamang si Arjo, kundi ang pamilya rin mismo ni Maine Mendoza.

Silipin ang yacht getaway ng Phenomenal star sa gallery below.

Embed: