What's Hot

Maine Mendoza, may high school photo ni Alden Richards para sa #ALDUB20thWeeksary

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 9, 2020 3:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Gusto ni Yaya Dub ng dedication sa likod ng high school photo ni Alden. Pinagbigyan ba siya ng binata?


By CHERRY SUN

Kahit wala nang hadlang sa nabubuong pagtitinginan nina Yaya Dub at Alden Richards sa kalye-serye ng Eat Bulaga ay hindi pa rin sila nagkasama para sa kanilang #ALDUB20thWeeksary dahil nagkasalisi sila.

Sosorpresahin sana nila ang isa’t isa ngunit nagulat sila nang si Maine ay pumunta sa Broadway studio habang bumisita naman sa barangay si Alden.

Pag-aalala ni Yaya Dub, “Alden, paano na ‘yan? Nandito ako tapos nadiyan ka?”

“Hayaan mo na. Kahit naman nasaan tayo, kahit malayo pa, kahit saan man, ang mahalaga nagkakaintindihan ‘yung puso ko at ‘yung puso mo,” paliwanang ni Alden.

Inamin din ni Maine ang tunay niyang pakay sa pagpunta sa Broadway.

“Meron pa talaga akong isang sinadya dito eh. Meron pa akong sinadya dito kaya ako nagpunta dito. Papa-autograph sana ako sa ’yo eh," sambit niya habang hawak ang high school photo ni Alden.

“Ang cute-cute mo kaya dito. Isa ‘to sa mga favorite pictures ko sa ’yo. Puwede ba lagyan mo ng dedication sa likod?” patuloy ni Maine.

Sa gulat ni Alden ay biro niya, “Wala ako bukas! 'Di ako papasok para hindi ko pirmahan.”

Hindi rin dito natapos ang pagpapakilig at kulitan nila. Pinost kasi ni Maine sa kanyang Instagram ang high school photo ni Alden. Bati niya, “Happy 20th weeksary, Alden! Aldub you!”
 


Napa-react naman si Alden ng “Grabe siya!”