
Last time, si Pambansang Bae Alden Richards ang naghatid sa inyo ng kanyang love advice.
Alden Richards, ikinumpara ang unrequited love sa pagbili ng sapatos
Ngayon naman, ang kanyang ka-love team at Destined To Be Yours leading lady Maine Mendoza naman ang sumagot ng mga tanong tungkol sa pag-ibig sa eksklusibong two-part video mula sa DestinedToBeYours.com.ph.
Isang netizen ang humingi ng payo kay Maine kung paano tanggihan ang isang manliligaw.
"Kahit ano'ng sabihin mo, masasaktan siya kasi ide-decline mo 'yung tao eh, ba-basted-in mo. Kahit ano'ng sabihin mo, masasaktan siya. Wala kang magagawa kasi ganun talaga ang mga tao. Talagang minsan makakasakit talaga tayo ng damdamin at wala na tayong magagawa doon. Kailangan nating sabihin ang totoo nating nararamdman," panimula niya.
"Sabihin mo sa kanya, 'Ayoko sa 'yo. Hindi kita gusto. Maghanap ka na lang ng iba.' Charing! Huwag ganoon. Meron namang nicer way para magsabi ng mga ganyan, mang-basted," may halong biro na pahayag ni Maine.
Nagbigay naman siya ng sample ng pwedeng sabihin.
"Sabihin mo na lang na siguro mas okay kung maging magkaibigan na lang kayo kasi 'yun lang 'yung tingin mo sa kanya. Pwede mo siyang mahalin pero bilang kaibigan nga lang," aniya.
Bukod dito, may nagtanong din kay Maine kung paano ba mapapansin ng kanyang crush.
"Pwede ka namang magpakilala. Pero huwag mo namang sabihin na, 'Uy, ako nga pala si Maine. Crush kita!' Huwag ganon!" payo niya.
Nag-demonstrate din si Maine ng tamang approach.
"Dapat, pang simple girl. Parang ganito, 'Hi! Ako nga pala si Maine. Ano'ng favorite mong number sa electic fan?' Ganoon lang dapat ka-swabe!" natatawang sabi ng komedyana.
Pero may karagdagan siyang payo para dito.
"Basta mabuti 'yung makipagkilala ka muna tapos makipagkaibigan ka. Malay mo, maging crush ka din ng crush mo. Pero huwag kang mag-expect!" paalala nito.
Panoorin ang two-part video ng makulit na love advice ni Maine.
EXCLUSIVE: Love advice from Maine Mendoza (Part 1) by gmanetwork
EXCLUSIVE: Love advice from Maine Mendoza (Part 2) by gmanetwork
MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':
EXCLUSIVE: Love advice from Alden Richards
EXCLUSIVE: Ligaw tips nina Alden Richards at Dominic Roco