
May bagong iniidolo si Maine Mendoza sa katauhan ni Swiss animal rights activist Dean Schneider.
Isa rin siyang YouTube vlogger at kasalukuyang naka-base sa South Africa. Importansiya ng wildlife at proteksyon ng mga hayop ang sentro ng kanyang vlogs.
Ipinahayag ni Maine ang kanyang paghanga kay Dean sa kanyang Instagram Stories na puro patungkol sa huli.
“I can watch his [Dean] videos all day,” sabi ni Maine.
Patunay lamang ito na kagaya ni Dean, may pagpapahalaga at respeto ang Daddy's Gurl actress sa wildlife.
Samantala, ayon sa blog ni Dean Schneider, ang 27-year-old activist ay dating financial advisor.
Tinalikuran niya ang trabaho para pagtuunan ng pansin ang inilunsad niyang Hakuna Mipaka project na layuning itaguyod ang wildlife awareness at proteksyon para sa “animal kingdom.”
Ang primary mission umano niya ay “to bring animals into people's hearts.”
Maine Mendoza says she no longer wishes for herself
Maine Mendoza spearheads donations drive for daily wage earners