
Sulit ang lahat ng pagod ni Phenomenal Star Maine Mendoza sa pagbisita sa iba't-ibang sinehan kahapon, December 25, para sorpresahin ang moviegoers na nanood ng Mission Unstapabol: The Don Identity.
WATCH: Maine Mendoza surprises fans during her MMFF film screening
Maine Mendoza openly talks about relationship with Arjo Atayde
Sa tweet ni Maine, buong puso siyang nagpasalamat sa mga pumila sa araw ng Pasko para makapanood lang ng kanilang 2019 MMFF entry.
Aniya, “Went to catch #MissionUnstapabol 's last screening for tonight! Aliw na aliw lang ako, akala mo 'di ko alam 'yung mga mangyayari.
“Laughtrip ako sa sinehan ewan ko ba! Sa mga nakapanood na, sana nagustuhan niyo! Sa mga hindi pa, tara bukas!”
Went to catch #MissionUnstapabol 's last screening for tonight! Aliw na aliw lang ako, akala mo di ko alam yung mga mangyayari. Laughtrip ako sa sinehan ewan ko ba! Sa mga nakapanood na, sana nagustuhan niyo! Sa mga hindi pa, tara bukas! 😌
-- Maine Mendoza (@mainedcm) December 25, 2019
Kasama ni Maine sa pelikulang ito sina Bossing Vic Sotto, Pokwang, Jake Cuenca, Wally Bayola, at Jose Manalo.