GMA Logo Maine Mendoza on TBATS
What's on TV

Maine Mendoza, vocal trainer ng artista hopefuls

By Cherry Sun
Published May 14, 2019 2:34 PM PHT
Updated April 16, 2020 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

Maine Mendoza on TBATS


Ano ang mararamdaman mo kung si Maine Mendoza ang magiging vocal trainer mo? 'Yan ang naging eksena sa April 5 episode ng 'The Boobay and Tekla Show (TBATS).'

Ano ang mararamdaman mo kung si Maine Mendoza ang magiging vocal trainer mo? 'Yan ang naging eksena sa April 5 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Si Maine ang nagpanggap na vocal trainer ng tatlong artista hopefuls sa 'Pranking in Tandem.' Maliban sa mga nakakatuwang ipinagawa ng Box Office Queen sa mga ito, magugulat sila sa mangyayari dahil late ang isa pang artista hopeful.

Kung intense ang naging eksena sa 'Pranking in Tandem' segment, intense din ang level ng kilig nina Boobay at Tekla nang sumalang sina Jeric Gonzales at David Licauco sa 'Feeling the Blank.' Sino-sinong kapwa artista kaya ang napangalanan nila sa pagsagot ng intriguing questions? Ano rin kaya ang kanilang paliwanag tungkol sa malalaki ang sapatos?

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody, napanood naman ang wagas na pag-iibigan nina Chemalyn (Boobay) at Bonbon (Tekla) dahil kahit sa kamatayan ay hindi sila mapaghiwalay. Pero, paano na kung malaman ni Chemalyn na karibal pala niya mismo ang kapatid niya?

Patuloy rin na napanood ang 'TBATS on the Streets' at 'Dear Boobay and Tekla.' Ano-ano kaya ang ginawang Pinoy translation ng mga pasahero sa sikat ng English song titles at lyrics? Ano rin ang payo ng fun-tastic duo sa misis na ibinenta ang bunsong anak?

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!