
Patuloy pa rin ang pagbibigay ng good vibes ng Eat Bulaga superstar na si Maine Mendoza online.
WATCH: Angel Locsin reacts to video of Maine Mendoza impersonating her
Last week, patok sa mga netizens ang pag-impersonate niya sa former Mulawin actress na si Angel Locsin.
Tawang tawa ako dito ???? naglaro si Maine at Jen eh ???????????? https://t.co/TBnqwMYnki
— Angel Locsin (@143redangel) June 29, 2017
Sa naturang clip, nakasama din ni Menggay ang isa pang Angel impersonator na si Jennie Gabriel.
Matapos ang ilang araw, umabot na sa mahigit 700,000 views as of writing ang video na ito ni Maine Mendoza.
Sa katunayan, i-pinost pa ng Kapamilya actress sa kaniyang official Facebook account ang kulit video na ito ng AlDub star.