
Dumulog ang kampo ni Kapuso star Maine Mendoza sa pangunguna ng kanyang magulang na sina Teodoro Mendoza at Mary Ann Mendoza, abogadong Kathy Mercado, at manager na si Rams David sa National Bureau of Investigastion (NBI) Cybercrime Division, nitong Lunes, December 28.
Lumapit ang mga kinatawan ni Maine sa ahensiya para humingi ng tulong na matanggal ang ilang malalaswang video at litrato na kumakalat online na iniuugnay sa aktres, at matukoy ang nagpakalat nito.
Source: mainedcm (IG)
Ayon sa abogado ng Phenomenal Star, hindi totoong si Maine ang nasa video at mariin din itong itinanggi ng aktres. Ipinakalat lamang umano ang mga ito para siraan ang imahe ni Maine.
Rebelasyon pa nito, hindi si Maine at ibang aktres ang nasa video.
“She denied it and obviously when you look at the video, for certain naman na it's not her and we were able to locate the original video. It stars another actress,” lahad ni Atty. Kathy Mercado.
Natanggap na umano ng NBI Cybercrime Division ang mga ebidensiya at maingat na sinusuri ang mga krimen na maaaring isampa sa sinumang mapapatunayang naninira sa imahe ni Maine.
Sinisimulan na rin nila ang pagtunton sa author ng malalaswang video.
“Puwede 'yun sa Anti Voyeurism Act natin. Puwedeng maging violation 'yon. 'Yung mga author n'yan na nagpo-proliferate over the net, puwede rin sa cyber libel [at] puwede rin sa Violence Against Women. 'Yan ang puwedeng charges na isampa natin kapag napatunayan nating sila 'yung author ng publication or sila 'yung nagpalaganap. Ang challenge na lang sa amin is malaman kung sino 'yung author ng publication na 'yon,” pahayag ni Vic Lorenzo, Chief ng NBI Cybercrime Division.
Samantala, ayon sa ina ni Maine na si Mary Anne, ang naturang hakbang ay hindi lamang umano para sa anak nila kundi pati na rin sa lahat ng mga naging biktima ng cyberbullying.
“Very alarming. Siyempre naaawa kami sa anak namin dahil hindi naman siya totoo, e. We're here to see na seryoso talaga kami to file a case sa mga taong responsible.
“Nagkataon lang na isa siyang celebrity kaya kami nandito and you're covering this. Pero may this be a lesson to everyone na dapat hindi natin gagawin sa lahat ng tao 'yan because hindi siya makatarungan,” emosyonal na pahayag ni Mary Ann nang makapanayam ng 24 Oras.
Dagdag pa niya, “Lumagay man kayo sa amin bilang magulang siguro mararamdaman n'yo rin 'yung sakit na nararamdaman naming mga pamilya niya, and this is about time to end this one. To stop cyberbullying and everything na nakakasira sa mga tao na hindi naman siya totoo.”
Una nang itinanggi ni Maine ang mga paratang na siya ang nasa video sa maikling pahayag sa Twitter noong December 22.
“Wtf???? Sobrang kamukha ko kinilabutan ako pero hindi ako to!” post niya.
Naglabas na rin ng pahayag ang All Access to Artists Incorporated (Triple A) president Rams David kaugnay nito.
RA 10175 punishes content-related offenses such as cybersex, child pornography and libel which may be committed through a computer system. It also penalizes unsolicited commercial communication or content that advertises or sells products or services. #kulong pic.twitter.com/Ij5wFuWvsK
-- Rams David (@ramsdavid) December 22, 2020
YOU HAVE BEEN WARNED!!!!! pic.twitter.com/CZQPGXHz6Z
-- Rams David (@ramsdavid) December 22, 2020