
Patuloy sa pag-ani ng mataas na ratings ang mga episodes ng inaabangang GMA Afternoon Prime drama na Apoy sa Langit.
Sa July 25 episode, napanood na ang pinakahihintay ng lahat--ang malaman ni Gemma (Maricel Laxa) ang relasyon nila Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin).
Ang episode ng Apoy sa Langit na ito ay umani ng 8.2% rating ayon sa NUTAM People Ratings.
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Narito ang mga eksena sa episode nitong July 25.
Abangan ang mga painit nang painit na mga rebelasyon sa Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.