GMA Logo Glaiza De Castro as Maita
What's on TV

Maita is back: Glaiza De Castro excites fans as new role has the same name as her role in 'Prima Donnas'

By Jansen Ramos
Published April 19, 2021 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro as Maita


Buhay si Maita!

"Sabi ko na nga ba buhay si Maita."

'Yan ang komento ng isang netizen nang malamang Maita rin ang pangalan ng role na gagampanan ni Glaiza De Castro sa upcoming GMA afternoon series na Nagbabagang Luha.

Netizen comments on Glaiza De Castros role in Nagbabagang Luha

Matatandaang unang nakilala si Glaiza bilang Maita sa hit GMA afternoon series na Prima Donnas.

Si Maita ang asawa ni Jaime na ginampanan ni Wendell Ramos. Sa unang linggo pa lang ng serye ay namatay na si Maita dahil sa sunog. Hindi siya nakaligtas sa trahedya, ngunit ang surrogate na nagdadala ng triplets ng mag-asawa na si Lilian, ginampanan ni Katrina Halili, ay nakaligtas.

Biro tuloy ng ilang netizens, ang Nagbabagang Luha ang sequel ng Prima Donnas.

Netizens on Nagbabagang Luha as Prima Donnass sequel

Nagbigay-aliw sa social media ang ispekulasyon ng fans ng hit series pero, sa katunayan, coincidence lamang ito dahil ang Nagbabagang Luha ay hango sa 1988 blockbuster movie na may parehong pamagat na base sa comic novel ni Elena Patron.

Kung sa Prima Donnas ay maagang namatay ang role ni Glaiza, higit namang mas matagal mapapanood ang aktres dahil siya ang female lead sa TV adaptation ng Nagbabagang Luha.

Makakasama ni Glaiza rito si Rayver Cruz, bilang kanyang asawa, at si Claire Castro, bilang kanyang kapatid.

Si Maita ay sobra-sobra at todo-buhos kung magmahal at kaya niyang ibigay at gawin ang lahat para sa pamilya at sa asawa. Handa siyang magtiis para kay Alex (Rayver) pero hanggang saan nga ba ang kayang ibigay ni Maita para sa nakababatang kapatid?

Samantala, isa pang rason kung bakit maraming nagsasabing book two ng Prima Donnas ang Nagbabagang Luha ay dahil kabilang ang batikang aktres na si Gina Alajar sa upcoming series.

Kung sa Prima Donnas ay direktor si Gina, balik-on cam naman siya para sa Nagbabagang Luha kung saan gagampanan niya ang role ni Calida, ina ni Alex.

Si Calida ang may-ari ng Montaire Resort at isa sa mga hahadlang sa pagmamahalan ni Maita at Alex.

Maliban sa mga artistang nabanggit, tampok din sa Nagbabagang Luha sina Mike Tan, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, at Karenina Haniel.

Malapit na mapanood ang Nagbabagang Luha sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, narito ang ilang behind-the-scenes photos ng bagong GMA drama na inyong aabangan: