GMA Logo AHA special
What's Hot

Maitim na kili-kili ng isang babae at kabaong unboxing ng isang vlogger, iimbestigahan sa 'AHA'

Published November 10, 2023 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

AHA special


Mabibigyan ba ng soluyson ng 'AHA' ang maitim na kili-kili ng isang babae? Abangan din ngayong Linggo ang kakaibang kabaong unboxing ng isang vlogger.

Panibagong mga solusyon sa mga problema sa bahay, barangay at buhay ang hatid ngayong parating na Sunday morning ng 2022 Prix Jeunesse International Festival finalist na AHA.

Ayaw nang maging "dark secret" ng isang babae ang kanyang maitim na kili-kili kaya agad niyang sinubukan ang isang produkto na nangangakong magiging lunas dito. Pero imbis na pumuti ang kanyang kili-kili, nagpantal, nasunog at nagsugat pa ito! May solusyon pa ba sa problema niyang ito?



Isang vlogger naman sa Bulacan ang may kakaiba at nakakakilabot na mga videos. Imbis na gadgets at iba pang bagong gamit, mga kabaong ang bida sa kanyang unboxing videos. Anong mga kababalaghan ang nararanasan niya sa kakatwang hobby na ito?


Sa Batangas naman, trending ang isda na naging palaisipan sa mga nakahuli nito. Orange ang katawan nito, may matigas na kaliskis at ang pinaka ikinagulat nila--mayroon daw itong maliliit na paa. Ano ang nilalang na ito?



Mula naman sa Finland, nakarating na sa Pilipinas ang SuperPark, isang digital playground and indoor theme park. Anong mga dapat abangan sa bagong attraction na ito para ma-level up ang bonding with friends and family ngayong parating na holiday season?


Abangan ang mga kuwentong 'yan na puno ng fun-kaalaman ngayong Linggo, November 12, 8:15 a.m. sa AHA.

Patuloy ring panoorin ang informative at fun episodes ng Anak TV Seal awardee and 2022 Prix Jeunesse International Festival finalist program na AHA, Sunday mornings sa GMA.