
Masayang ibinalita ng batikang TV host na si Boy Abunda sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda ang napipintong pagpapakasal ng aktres na si Maja Salvador fiancé nito na si Rambo Nuñez.
Dahil sa lumabas na haka-hakang nagpakasal umano sina Maja at Rambo nito lamang nagdaang Valentine's Day, minabuti ng programa na kumpirmahin mismo sa dalawa ang balita.
Taliwas sa naging usap-usapan hindi totoo na ikinasal na ang aktres at partner nito, bagkus ay nakatakda pa lamang itong maganap sa Hulyo ngayong taon.
Ayon kay Boy, “Sinabi sa amin na ang kasal nina Rambo at Maja ay magaganap July of 2023.”
Nagpasalamat naman si Boy sa pagiging bukas nina Maja at Rambo sa detalyeng ito ng kanilang pag-iisang dibdib.
Matatandaan na April 2022 nang maganap ang engagement party nina Maja at Rambo kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Sa ngayon, napapanood si Maja bilang host sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAJA AT RAMBO SA GALLERY NA ITO: