
Muling pinaalala ng nagiisang Majasty Queen of the Dance floor na si Maja Salvador ang husay niya sa pagsayaw sa kulit dance video niya kasama ang nanay na si Thelma Andres.
Kinaaliwan hindi lang ng netizen, kundi pati rin ng celebrities ang cute dance video ni Maja na sumasayaw sa kanta na 'Back It Up and Dump It.'
@majasalvador88 Happy Easter! 🐰
♬ Back It up and Dump It (Dump Truck) - GC Eternal & Kinfolk Thugs & TYME BOMB
Umani ng papuri ang TikTok video na ito ni Maja na may mahigit 690,000 views na. Sabi pa ng mga netizen, nakakatuwa na walang pinagiba ang pagsayaw ng Open 24/7 actress , kahit preggy sa kaniyang first baby sa mister na si Rambo Nuñez.
Source: maja (IG) & majasalvador88 (TikTok)
Dalawang beses ikinasal si Maja sa businessman na si Rambo. Una ang civil wedding nila noong February 2023 at makalipas ang ilang buwan sinundan ito ng star-studded na kasal nila sa Bali, Indonesia.
Inanunsyo naman ng Nuñez couple na magkakaroon na sila ng baby ng Disyembre ng nakaraang taon.
RELATED CONTENT: THE MARRIED LIFE OF MAJA SALVADOR