GMA Logo Maja Salvador in Eat Bulaga
Source: Eat Bulaga
What's on TV

Maja Salvador, nagbigay ng lechon sa isang pamilya sa 'Juan for All, All for Juan' ng 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published September 7, 2022 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Maja Salvador in Eat Bulaga


Sana all, may pa-lechon! May masarap na regalo si Maja Salvador sa isang pamilya na napili ng 'Juan for All, All for Juan' sa Eat Bulaga.

May maagang pamasko ang Dabarkad na si Maja Salvador sa isang pamilya na napili ng "Juan for All, All for Juan" sa Eat Bulaga kamakailan.

Bukod sa PhP100,000 na premyo at mga regalo mula sa sponsor ng nasabing noontime show, nagbigay din si Maja ng litsong baboy sa pamilya ng sugod-bahay winner na si Amy Benito mula sa Barangay Mayamot sa Antipolo City.

May apat na anak si Amy, ang dalawa dito ay nangangalakal upang makabili ng kanilang pagkain bago sila pumasok sa paaralan. Ang kanila namang ama ay isang construction worker na hindi rin sapat ang kinikita upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa kalagitnaan ng interview nina Jose Manalo at Wally Bayola sa mag-anak ni Amy, ipinatanong ni Maja kung ano ang gusto nilang pagkain na hindi pa nila nakakain, gaya ng lechon.

"Kuya Jose, Kuya Wally, gusto ba nila ng lechon?," tanong ni Maja.

"O, gusto mo raw ba kumain ng lechon," tanong naman ni Jose sa anak ni Amy.

"Opo, lechong baboy," mabilis na sagot ng bata.

"O, sige Kuya Jose, alam mo na 'yan, papalitan ko na lang mamaya," masayang sinabi ni Maja.

"Mamaya may dadating dito sa bahay niyo na lechong baboy na bigay ni Maja," natutuwang sinabi ni Jose.

Napapalakpak at napangiti naman sa saya ang mag-anak dahil sa regalo na ito ni Maja.

Hirit naman ni Maine Mendoza, "Maja gusto rin namin ng lechon."

"Ses, kumain ka na kahapon," natatawang sagot ni Maja kay Maine.

October 2021 nang ipakilala si Maja bilang guest host ng longest-running noontime show sa Pilipinas na Eat Bulaga. Ngayon ay regular na siyang napapanood dito at nabigyan pa ng sariling segment na "DC 2021: Maja On Stage" at "Dancing Kween."

BALIKAN ANG NAGING JOURNEY NI MAJA SALVADOR PARA MAGING ISANG MAHUSAY NA DANCER DITO: