GMA Logo Maja Salvador at john lloyd cruz
Source: maja (IG) AND crownartistmgmt (IG)
What's on TV

Maja Salvador, natutuwa sa mataas na ratings ng 'Happy ToGetHer'

By Aedrianne Acar
Published January 19, 2022 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Maja Salvador at john lloyd cruz


Sa Instagram story ng 'Eat Bulaga' star, binati nito si John Lloyd sa mataas na ratings ng nakuha ng 'Happy ToGetHer.'

Todo ang suporta ng Eat Bulaga star at Crown Artist Management (CAM) owner na si Maja Salvador sa success ng Kapuso sitcom ng A-list talent nila na si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na noong nakaraang taon, pormal na ipinakilala si JLC bilang top artist ng CAM na pinapatakbo ni Maja at ng kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez Ortega na tumatayong CEO.

Sa Instagram story ng Eat Bulaga star, binati nito si John Lloyd sa mataas na ratings ng nakuha ng Happy ToGetHer.

Source maja IG

Source: maja (IG)

Special guest nitong mga nagdaang episodes ang Sparkle beauty na si Faith Da Silva na gumanap bilang Jenny.

Ilang netizen naman ang nakapansin na maganda ang on-screen chemistry ng award-winning TV idol at ng Kapuso actress.

Source GMA Network YT

Source GMA Network (YT)

Kaya para mas good vibes ang Sunday night n'yo, mga Kapuso, tumutok sa gumagandang kuwento ng Happy ToGetHer, bago ang internationally-acclaimed news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Higit na kilalanin ang gumaganap na heartthrob daddy na si Julian, the one and only John Lloyd Cruz in this gallery.