GMA Logo Maja Salvador
Source: maja (IG) & majasalvador88 (TikTok)
Celebrity Life

Maja Salvador, sinagot ang tanong kung kailan ba siya manganganak

By Aedrianne Acar
Published May 14, 2024 6:34 PM PHT
Updated May 14, 2024 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Maja Salvador


Maja Salvador: “PUSH IT TO BELIEVE IT???”

Ramdam ang excitement ng versatile actress and dancer na si Maja Salvador na makita ang anak niya sa businessman na si Rambo Nuñez.

RELATED CONTENT: THE HAPPY MARRIED LIFE OF MAJA SALVADOR

Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon nang kumpirmahin ng dalawa na magkaka-baby na sila. Nitong Enero, ibinahagi nila ang ilang highlights ng kanilang gender reveal party at dito nila isinapubliko na magiging babae ang kanilang unang anak.

Sa latest TikTok video ni Maja, sinagot nito ang tanong ng isang netizen kung kailan ba talaga siya manganganak.

Hirit ng Open 24/7 star, “Alam mo, tanong ko rin yan, kailan ba ako manganganak?”

“Siyempre kapag sinabi na ng doctor na push na, push na!”

Sabay tingin sa kanyang belly at humirit sa anak na, “'Di ba, baby? Push to believe it. PUSH IT TO BELIEVE IT???”

Ang bagong TikTok content ni Maja ay ginawa niya para mag-react sa mga komento ng netizens tungkol sa kanyang viral TV commercial para sa isang hair treatment product.

Base sa post ng talent management agency niyang Crown Artist Management (CAM), umani ang naturang ad ng hindi baba sa 10 million views sa Facebook.

@majasalvador88 So, heto ka na nga. HETO KA NA NGA??? #KERATINplus ♬ original sound - maja salvador