GMA Logo MAKA stars Ashley Sarmiento and Marco Masa
What's on TV

MAKA: Ashley at Marco, magkakabalikan na?

By Aimee Anoc
Published June 20, 2025 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA stars Ashley Sarmiento and Marco Masa


Magkakabalikan na kaya ang AshCo o tuluyan na silang magkakalayo? Abangan 'yan sa 'MAKA' ngayong Sabado!

Haharap sa isang panibagong pagsubok ang MAKA barkada na si Marco (Marco Masa) sa ika-19 episode ng MAKA na "Sa Ngalan ng Pag-ibig" ngayong Sabado, June 21.

Susubukang suyuing muli ni Marco si Ashley (Ashley Sarmiento), pero magtagumpay kaya ang binata lalo na ngayong tila pinopormahan na ni Bryce (Bryce Eusebio) ang dalaga.

Matatandaan na nagkahiwalay sina Marco at Ashley matapos na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang outing sa ika-15 episode ng MAKA. Dito, si Marco mismo ang nakipaghiwalay kay Ash at iniwan ang dalaga na nasasaktan.

Makuha na kaya muli ni Marco ang puso ni Ashley o tuluyan na silang magkakalayo? Dahil si Marco, paalisin na sa MAKA boarding house.

Abangan 'yan sa MAKA ngayong Sabado, June 21, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: