
Todo ang suporta ng MAKA LOVESTREAM Barkada sa pagpasok ng kanilang co-stars na sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, John Clifford, at Anton Vinzon bilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Noong Sabado, October 25, opisyal nang nagbukas ang Bahay ni Kuya at ipinakilala na ang mga bagong housemates--ang mga Kabataang Pinoy na nagmula sa Sparkle at Star Magic, kabilang sina Ashley, Marco, Clifford, at Anton.
Sa kani-kanilang Instagram stories, ipinarating nina Zephanie, Shan Vesagas, Chanty, Josh Ford, at May Ann Basa ang kanilang suporta at excitement para sa PBB journey nina Ashley, Marco, Clifford, at Anton.
"Let's go friendssss. This is gonna be an exciting season!" sulat ni Zephanie.
"Proud of you guys!" pagsuporta ni Josh Ford sa kapwa Sparkle Teens na pumasok sa Bahay Ni Kuya.
"Aaaahh!!! Let's go!!!" sulat naman ni Chanty.
Ipinarating din ng MAKA LOVESTREAM ang pagbati at suporta sa pagpasok nina Ashley, Marco, Clifford, at Anton sa PBB.
Samantala, patuloy na subaybayan ang MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.