
Labis ang pasasalamat ng MAKA Barkada sa walang sawang suporta ng kanilang fans.
Noong Martes (July 29) sa taping ng MAKA, nagkaroon ng mini thanksgiving ang cast para sa kanilang fans.
Present sa thanksgiving ang MAKA Barkada na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, San Vesagas, Josh Ford, Bryce Eusebio, Anton Vinzon, Mad Ramos, at May Ann Basa, kasama ang seasoned actress na si Gladys Reyes.
Sa video na ibinahagi ng MAKA, makikita ang fans na may kanya-kanyang banners para sa cast. Makikita rin sina Shan, Zephanie, at Josh na may hawak na cakes habang pinapasalamatan ang kanilang mga tagahanga.
"Maraming salamat, MAKA Barkada," masayang sabi ng MAKA cast at ng kanilang fans.
Subaybayan ang MAKA: Next Chapter tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Related content: Meet the 'Hayskul' crush and Sparkle artist Shan Vesagas