
Marami ang pinakilig nina Zephanie at Dylan Menor sa sweet na duet nila ng kantang "Palagi" ni TJ Monterde.
Sa video na ibinahagi ni Zephanie noong Biyernes (August 23), makikita ang pagtugtog ni Dylan sa gitara habang sabay nila ni Zephanie na kinakanta ang "Palagi."
Dumagdag pa sa kilig ang palitan ng mga ngiti ng dalawang Sparkle stars habang kumakanta.
Ilan sa singers na napa-comment sa duet na ito nina Zephanie at Dylan ay sina Morissette at ang "Palagi" singer na si TJ Monterde.
Samantala, magbibigay kilig din sina Zephanie at Dylan bilang love team sa upcoming Gen Z series ng GMA Public Affairs, ang MAKA, na mapapanood na ngayong September sa GMA.
Makakasama nina Zephanie at Dylan sa MAKA ang ilan sa Sparkle stars na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, John Clifford, Sean Lucas, Chanty Videla, at May Ann Basa. Makakatrabaho rin nila sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
MAS KILALANIN SI DYLAN MENOR SA GALLERY NA ITO: