
Paniguradong matutuwa kayo sa regalong handog ng MAKA LOVESTREAM Barkada ngayong Kapaskuhan sa kanilang finale na "Last Christmas."
Tampok sa "Last Christmas" ang kuwento nang noo'y masayang barkada na nasira dahil sa isang car accident.
Isang taon matapos ang trahedya, muling bumalik si Nico (Bryce Eusebio), na siyang nagmamaneho noon nang maaksidente ang buong barkada, sa kanyang bayan kung saan muli niyang nakasama ang dating mga kaibigan para isang chorale competition. Dito muli nilang hinarap ang nasirang pagkakaibigan, ang sugat ng trahedya, at kung kaya pa nga ba nilang magpatawad at maging buo muli--sa entablado at ang kanilang mga puso.
Ang "Last Christmas" ay isang three-part musical-drama special para sa finale ng MAKA LOVESTREAM na mapapanood tuwing Sabado, simula November 29, 4:45 p.m. sa GMA.
Pagbibidahan ito nina Zephanie, Olive May, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, Sean Lucas, Elijah Alejo, May Ann Basa, at Chanty.
Magkakaroon din dito ng surprise appearances sina Josh Ford at PBB housemates na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Anton Vinzon, at John Clifford.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI BRYCE EUSEBIO SA GALLERY NA ITO: