
Maki-jamming sa pinakabagong awitin ng MAKA Barkada na "Halika Na."
Noong Biyernes (October 3), inilabas na ng MAKA LOVESTREAM ang original soundtrack nito na "Halika Na" na inawit mismo ng MAKA Barkada na sina Zephanie, Chanty, Sean Lucas, John Clifford, at Josh Ford.
Ang lyrics ay tungkol sa masaya at makulay na samahan ng MAKA Barkada.
Mapapakinggan na ang "Halika Na" sa YouTube Music, Spotify, iTunes, at iba pang digital music platforms. Ito ay isinulat ni Rina Mercado, mixed ni Bryan Christian Gajardo, at produced ni Rocky Gacho ng GMA Playlist.
Samantala, abangan ang MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG SORPRESA NG FANS SA FIRST ANNIVERSARY NG MAKA SA GALLERY NA ITO: