GMA Logo maka season 2
What's on TV

'MAKA,' magkakaroon ng season 2!

By Aimee Anoc
Published December 14, 2024 5:30 PM PHT
Updated December 14, 2024 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

maka season 2


Abangan ang season 2 ng 'MAKA' ngayong Enero sa GMA!

Magpapatuloy sa pagbibigay ng inspirasyon ang hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.

Kumpirmado na ang season 2 ng MAKA at magsisimula ang pilot episode nito sa January 25.

Napanood ngayong Sabado, December 14, ang huling episode ngayong taon.

Exciting at kapana-panabik ang mga susunod na episodes na matutunghayan sa season 2 ng MAKA. Isa sa mga dapat abangan ay kung totoo nga bang magsasara na ang MAKA High?

Bukod dito, magkakaroon ng bagong cast members ang MAKA squad. Sinu-sino kaya ang mga ito?

Tampok sa MAKA ang iba't ibang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA High.

Bawat episode, kapupulutan ng aral at inspirasyon ang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: