GMA Logo MAKA new season 2
What's on TV

'MAKA,' may bagong season; mapapanood na ngayong June 7

By Aimee Anoc
Published May 30, 2025 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI press conference (Dec. 10, 2025) | GMA Integrated News
Love You So Bad stars complete "Love You ___" according to their characters | Online Exclusive
MRT-3, LRT-2 adjust operating hours for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA new season 2


Excited na ba kayo sa bagong season ng hit youth-oriented show na 'MAKA'? Narito ang mga dapat abangan!

Magkakaroon ng bagong season ang hit youth-oriented show ng GMA Public affairs na MAKA, ang "MAKA: Next Chapter."

Sa bagong season, panibagong simula ang naghihintay sa MAKA barkada sa kanilang bagong boarding house, ang MAKA-B, matapos na masunog ang kanilang tinitirhang dorm.

Magbabalik na rin ang MAKA barkada na si Josh Taylor, na ginagampanan ng Sparkle actor na si Josh Ford.

Magiging tahimik kaya ang pagtira nila sa MAKA-B kung istrikto, may pagka-old school at ayaw sa teenage drama ng namamahala sa boarding house na si Miss Chinchin (Gladys Reyes)?

At hindi nag-iisa si Miss Chinchin dahil nakatira rin sa kanya ang sweet pero suspicious niyang kapatid na si Ms. Alelie (Jennie Gabriel). Parehong may itinatagong sikreto na maaaring magpabago sa inaakala ng MAKA barkada na alam na nila sa kanilang sarili at sa isa't isa.

Abangan sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Chanty, Elijah Alejo, Shan Vesagas, Josh Ford, Sean Lucas, Bryce Eusebio, "Bangus Girl" May Ann Basa sa bagong season na "MAKA: Next Chapter" simula ngayong June 7, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: