
Lalabas na ang katotohanan na hindi si Anton (Anton Vinzon) ang hinahanap na anak ni Miss Chin Chin (Gladys Reyes).
Sa teaser na inilabas ng MAKA para sa pagpapatuloy ng "The Lost Prince," malalaman na ni Miss Chin Chin na hindi niya tunay na anak si Anton dahil "negative" ang resulta ng kanilang DNA test.
Hindi naman napigilan ni Shan (Shan Vesagas) na magalit nang malaman ang sabwatan nina Miss Chin Chin at Elijah (Elijah Alejo) para pahirapan si Zeph (Zephanie).
Ipinaalam din ni Shan kay Zeph ang hinala na maaaring si Miss Chin Chin ang kanyang ina.
Samantala, malalagay sa peligro ang buhay ni Shan. May kinalaman kaya si Anton sa nangyari?
Abangan 'yan sa MAKA ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
RELATED CONTENT: MAS KILALANIN SI SHAN VESAGAS SA GALLERY NA ITO: